Sabado, Agosto 24, 2013

Ako na naman...

okey naman kami ni mister bago ito nangyari... nagpaalam cya na pagbibigyan lang nya yung matagal ng nag aaya sa kanya na uminom (hindi mahilig uminom si mister, talaga lang gusto nya pagbigyan dahil na rin sa pakisama). pm pm lang kami sa fb.. so sabi ko ok, pero marami akong tanong.... sino sino kayo? san kau pupunta? ano ang gagawin? what time ka uuwi? .. nung una pabiro pa mga sagutan namin, tapos para cyang napikon dahil wala daw ba akong tiwala sa kanya? hello! nagtatanong lang po... siguro naman me karapatan ako magtanong, dba asawa ako e... sa madali't sabi nainis cya sa mga tanong ko.. sabi ko okey hindi nako magtatanong, magtx ka na lang kung paalis ka na sa trabaho at pag nandun ka na sa pupuntahan mo at kung pauwi ka na para hindi naman mamuti ang mata ko sa kakahintay.. atleast alam ko kung nasan cya...
nagtx cya, nandun pa daw cya sa trabaho dahil sobrang lakas ng ulan at hindi makaalis agad, twice cya nagtx ang huling text nya ay 8:30 pm.. after nun wala na.. 12 na wala pa cya, out of reach ang cp nya.. every 30 mins nagtetex ako, no reply... dumating cya past 4 am na... first time yun... at sana last time na rin...
pagdating hindi kumikibo, sabi ko wala ka man lang bang sasabihin? ano daw sasabihin nya... sabi ko kung san kau nagpunta, kung sino kasama nyo at kung ano ginawa nyo at bakit ngayon lang cya umuwi...
"kapag ba ikaw naiinis me gana kang magkwento" yan ang sagot nya...
sabi ko wag kang magalit, natural sa asawa yung mgatanong ng mga ganong bagay..
sa mga tanong ko daw wala akong tiwala at iba ang iniisip ko...
my goodness, naghintay ako hanggang umaga dahil hindi ako makatulog dahil wala pa cya tapos ganun lang pala... galit cya dahil wala akong tiwala sa kanya at iba daw ang iniisip ko.. wala naman akong ibang iniisip na masama sa kanya dahil kilala ko naman cya, yung mga kasama nya ang hindi ko kilala at hindi ko alam kung nasan cla...
text lang naman hinihingi ko... siguro kung tinext nya ko baka hindi nako nangulit... marami pa cyang sinasabi, inshort, ayaw nya tanggapin na may mali din sa part nya... pero me magagawa pa ba ako...
palagi naman ako ang mali, hindi naman ako nanalo sa kanya, ako ang susuyo... ang sakit yakap lang okey nako e.. tanggal na lahat ng sama ng loob ko.. pero wala.. inaakap ko cya pero ayaw nya...
sakit lang sa dibdib na bakit ganito... na wala akong karapatang magtampo o magalit dahil for sure magagalit din cya.. wala akong mapaglabasan ng sama ng loob, sakit sa dibdib... until now hindi pako natutulog, hindi ako makatulog... cya eto tulog...
sunday pa naman, family day sana, at bukas holiday bonding moment sana... pero i don't know kung ano mangyayari pagkagising nya.. for sure galit cya...
sana minsan maisip mo kung bakit ako ganun sau.. hindi sa wala akong tiwala sau.. kelangan ko kasi ng sagot galing sau para makapante ako, na nandito sa bahay na naghihintay lang sau...
hindi ko alam kung meron ba cyang gustong patunayan sa ibang tao kaya cya nagkakaganyan, pero sana wag dumating sa punto na nasisira na pala kami... i don't want to have a broken family, kaya im trying my best to be a good wife and mother..

ikaw nandun ka nagpapakasaya at galit sakin, kaya hindi mo na ako naisip, ako nasa bahay naghihintay, ni text man lang sana... kahit tx man lang sana... obligasyon mo pa rin yon bilang asawa...

hindi ako makapagsalita sa kanya ng mga gusto kong sabihin dahil palaging ako ang lalabas na mali... at ako pa rin ang may kasalanan.... ayoko ng malungkot.. please help me God...


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento