daddy, alam ko na kung bakit ako nagkakaganito...
siguro nga naiinsecure ako... kasi marami ako nararamdaman na hindi dapat, na dati namang hindi ganito..
na akala mo tuloy wala akong tiwala sau.. may tiwala ako sau oo pero sa mga tao na nakapaligid sau wala siguro..
KSP na nga ako sa pagpapapansin sau.. para kasing kulang yung atensyon na naibibigay mo, hindi naman ako makakapag isip ng kung anu ano kung nakikita kong okey ang lahat..
hindi kita kayang tiisin kahit na anong sabihin mong masakit sakit... ang masakit lang ako kaya mong tiisin.. katulad ngaun, wala ka pa, diko alam kung nasan ka.. mi text wala, im trying to call you kanina pa pero walang sagot.. nakatulog na rin anak mo kakahintay sau..
sana i assess mo rin yung sarili mo, tingnan mo kung me pagkukulang ka rin.. wag naman yung palaging feelings mo na lang.. pano naman ako.. ikaw nga nagagawa mo kung ano gusto mong gawin, yung umuwi ng gabi, yung hindi pagtx, yung hindi pagsagot sa tawag ko.. hinsi ko kasi kaya yun.. wala akong mapagsabihan, wala akong mapaglabasan ng nararamdaman ko.. sana maisip mo rin yung pinagdadaanan ko kapag ganyan ka... napapagod ako, pero ayokong sumuko..dahil importante ka sakin. dahil mahal kita.
siguro nga pagsubok lang, at sana maayos agad.. Lord help me..
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento